P500M halaga ng pekeng sigarilyo at tax stamps, nasamsam sa Bulacan
Nasamsam ng Bureau of Customs (BOC) ang P500 milyong halaga ng pekeng sigarilyo at tax stamps ng Bureau of Internal Revenue (BIR) sa isinagawang raid sa magkakahiwalay na warehouse sa Meycauayan City, Bulacan.
Ayon kay Customs Commissioner Isidro Lapeña, nasabat ang mga pekeng sigarilyo at tax stamps sa tatlong warehouse sa Muralla Industrial Subdivision sa lungsod.
Pagmamay-ari umano ang naturang warehouse ng isang Johnny Caluba at Panply Marketing Corporation.
Ayon kay Lapeña, ang raid ay isinagawa sa pangunguna ng mga lokal na awtoridad at ng Enforcement and Security Service ng BOC sa pagsusupetsang naglalaman ang mga warehouse ng mga ipinagbabawal na produkto.
Wala umanong tao sa mga warehouse nang isagawa ang raid kaya’t nauwi ito sa inspeksyon na dahilan para masabat ang mga pekeng sigarilyo,
Kasalukuyan pang sumasailalim sa authentication ng BIR ang mga pinaghihinalaang pekeng tax stamps habang mahigpit ang seguridad na ipinatutupad sa mga warehouse.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.