Ihihirit ng Trade Union Congress of the Philippines (TUCP) ang P320 na dagdag sa arawang sweldo ng mga manggagawa sa buong bansa.
Ito ay iba sa panukalang batas na layong itaas sa P750 ang minimum wage.
Sa panukala ng TUCP, tataas sa P832 ang minimum na sahod sa Metro Manila mula sa P512 habang ang P265 na minimum wage sa Autonomous Region in Muslim Mindanao (ARMM) ay magiging P585.
Ayon kay TUCP Assistant Secretary General Vicente Camilon Jr., ang mangyayari ay differentiated o hindi pareho ang mga sweldo ng mga manggagawa sa lahat ng rehiyon.
Iginiit ng grupo na pwedeng itong mangyari at kayang ibigay kung gustong ibigay ng mga employers dahil ito anya ang dapat talagang napupunta sa mga manggagawa.
Ang P320 na umento sa sahod ay pwede umanong makuha sa inflation rate, ang inaasahang 10% na pagtaas sa gastos sa kuryente, tubig, at transportasyon at sa equity supplement.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.