Hontiveros tinawag na fake news ang nawawalang pondo ng Philhealth

By Jan Escosio May 31, 2018 - 04:08 PM

Radyo Inquirer

Hiniling ni Senator Risa Hontiveros sa mga government health officials na linawin ang isyu sa pagkakalipat ng P10.6 Billion Philhealth fund sa Department of Health.

Ito ay matapos mag-usbungan ang mga fake news aniya na nagsasangkot sa kanya sa kontrobersiya.

Giit ni Hontiveros hindi sa termino niya bilang director ng Philhealth nangyari ang sinasabing paglipat ng pondo.

Dagdag pa ng senadora na umaasa din siya sa joint congressional committee na pinamumunuan ni Sen. JV Ejercito na patunayan na peke ang mga balitang nag- uugnay sa kanya sa isyu.

Pinansin din ni Hontiveros na nagsimulang kumalat ang fake news nang hamunin niya si Pangulong Rodrigo Duterte na sibakin si Solicitor General Jose Calida dahil sa pagnenegosyo sa gobyerno.

TAGS: doh, fake news, hontiveros, philhealth fund, doh, fake news, hontiveros, philhealth fund

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.