BBL na ipinasa sa Senado, sang-ayon sa Saligang Batas – Sen. Zubiri
Kumpyansa si Senator Migs Zubiri na hindi makukuwestiyon ang ipinasa nilang Bangsamoro Basic Law kung ito ba ay naaayon sa Saligang Batas.
Sinabi nito na kaya inabot ng halos isang araw ang ginawang pagrebisa sa Senado ng ilang probisyon sa panukala ay para tiyakin na wala itong magiging paglabag sa 1987 Constitution.
Inamin din nito na kabilang sa mga nabago ay ang ilang probisyon na nais ng Bangsamoro Transition Commission.
Una na rin sinabi ni Senate Minority Leader Frank Drilon na kaya masusi ang ginagawa nilang pagbusisi sa BBL ay para hindi matulad ito sa sinapit ng Memorandum of Agreement on Ancestral Domain na idineklang unconstitutional ng Korte Suprema noong 2008.
Sinabi pa ni Drilon na inaasahan na niya na kapag naisabatas ay kukuwestiyonin sa Korte Suprema ang BBL.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.