National ID System, hindi dapat katakutan – Malacañang

By Chona Yu May 31, 2018 - 11:25 AM

Pinakakalma ng Malacañang ang publiko sa gitna ng isinusulong na National Identification (ID) System.

Ayon kay Special Assistant to the President Christopher “Bong” Go, may ginagawang hakbang ang gobyerno para matiyak na hindi maabuso ang panukalang batas na ngayon ay lagda na lamang ni Pangulong Rodrigo Duterte ang kulang.

Kasabay nito, ginagarantiyahan din ni Go na protektado ang personal information ng bawat Filipino sa Data Privacy Act.

Ayon kay Go, hindi nagpapaka-kampante ang Administrasyon sa usapin ng data privacy lalo’t high-tech na rin ang mga masasamang loob sa paraan ng pagnanakaw gamit ang makabagong teknolohiya.

Ang tanging mangangamba lang ayon kay Go sa bagong batas ang masasamang loob na nagtatago sa batas habang mas marami naman ang pumapabor dito.

TAGS: Data Privacy Act, Malacañang, national ID system, SAP Bong Go, Data Privacy Act, Malacañang, national ID system, SAP Bong Go

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.