Labor Usec. Paras, ipinapa-ban ni Rep. Villarin sa Kamara
Hiniling ni Akbayan Rep. Tom Villarin sa Kamara na i-ban si Labor Undersecretary Jacinto Paras sa Batasang Pambansa Complex.
Ito ay kasunod ng sinasabing pagnanakaw ni Paras ng mamahaling cellphone ni Villarin sa loob ng isang hearing room ng Kamara noong Marso.
Sa kanyang privilege speech, sinabi ni Villarin na dapat bawalang tumunyong sa Batasan complex si Paras hanggang wala pang resolusyon sa kanyang reklamong theft laban dito.
Sinabi ng mambabatas na umaasa siya na susuportahan ng kanyang mga kapwa kongresista ang kanyang nais mangyari kay Paras.
Iginiit ni Villarin na maari naman niyang patawarin si Paras kung humingi ito ng paumanhin at kung hibdi talaga sinadya ang pagtangay sa kanyang Iphone 10.
Gayunman, sinabi nito na hindi disenteng tao si Paras at alam niya na may motibo ito kaya dinampot ang kanyang cellphone at kalaunan ay iniwan din sa isa pang hearing room ng Kamara.
Nauna rito, inireklamo ng theft ni Villarin si Paras sa Quezon City Prosecutor’s Office.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.