1.2 bilyong kabataan, nahaharap sa kaguluhan, kahirapan at sexual discrimination ayon sa pag-aaral
Nahaharap ang higit sa 1.2 bilyong kabataan sa buong mundo sa banta ng kaguluhan, kahirapan at sexual discrimination.
Ito ang lumalabas sa ulat ng Save the Children na inilathala kahapon, Miyerkules at pinamagatang ‘Many Faces of Exclusion’.
Iniranggo ng pag-aaral ang 175 bansa sa mga isyu tulad ng child labor, paghinto sa pag-aaral o kawalan ng edukasyon, child marriage at maagang pabubuntis.
Lumalabas na 1.2 bilyon o higit kalahati ng kabuuang bilang ng mga kabataan ang nahaharap sa kahit isa sa tatlong pangunahing problema.
Walo sa sampung bansa sa rankings na hindi nakabubuti para sa mga kabataan ay nasa West at Central Africa kung saan pinakamalala ay sa Niger.
Ang Singapore at Slovenia naman ang may pinakakaunting insidente ng mga naturang problema.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.