ITCZ, magdadala ng pag-ulan sa Palawan, Visayas at Mindanao ngayong araw; tag-ulan posibleng magsimula na sa pagitan ng June 4-14
Patuloy na binabantayan ng Pagasa ang inter-tropical convergenze zone o (ITCZ) na nakakaapekto sa Palawan, Visayas at Mindanao dahil sa posibilidad na pamumuo ng isang sama ng panahon o low pressure area (LPA) sa loob ng naturang weather system.
Dahil sa ITCZ ay makararanas ng maulap na kalangitan na may pag-ulan, pagkulog at pagkidlat ngayong araw ang mga nabanggit na lugar.
Pinayuhan ng weather bureau ang publiko na patuloy na magmonitor sa kanilang weather updates.
Samantalang sa natitirang bahagi naman ng bansa partikular sa Luzon ay inaasahan ang mainit na panahon.
Inaasahang papalo ang maximum temperature sa Tuguegarao City sa 39 degrees Celsius at 34 degrees Celsius naman sa Metro Mania.
Para sa weather outlook ng Pagasa sa buwan ng Hunyo ay inaasahang papasok ang isa hanggang dalawang bagyo at kadalasang tumatawid ito sa bandang Luzon o Visayas area sa naturang buwan.
Samantala, posible na umanong magsimula ang rainy season sa pagitan ng June 4 hanggang June 14.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.