Boracay isinailalim sa land reform ni Pangulong Duterte

By Len Montaño May 31, 2018 - 03:47 AM

Idineklara ni Pangulong Rodrigo Duterte ang buong isla ng Boracay sa ilalim ng land reform.

Ang deklarasyon ng pangulo ay mahigit isang buwan matapos ang pagpapasara nito sa isla dahil sa problema sa kalinisan.

Sa kanyang talumpati sa Bureau of Customs (BOC), sinabi ni Pangulong Duterte na dapat ng sagarin ang pagsasailalim sa Boracay sa land reform.

Pero para aniya mapanatili ang commercial quality ng lugar, iminungkahi nito sa Kongreso na magtakda ng kaukulang laki na pwedeng gawing commercial gaya ng tatlumpung metro.

Ayon pa sa pangulo, kung magtatayo ng bahay sa Boracay ay kailangan na mayroong adjustment.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.