SolGen Calida ipinagtanggol ni Pangulong Duterte

By Len Montaño May 31, 2018 - 04:54 AM

Sa kabila ng kaliwat kanang kontrobersiya, ipinagtanggol ni Pangulong Rodrigo Duterte si Solicitor General Jose Calida.

Sa kanyang talumpati sa pagsira ng mga smuggled na sasakyan sa Bureau of Customs (BOC), sinabi ng pangulo na wala namang masama kung papasok sa negosyo si Calida.

Kinukwestyun ng ilang senador kung mayroong conflict of interest ang pagkakuha ng Vigilant Investigative and Security Agency na pag-aari ng pamilya ni Calida sa security contract sa Department of Justice (DOJ) at iba pang tanggapan ng gobyerno.

Pero ayon sa pangulo, hanggang ligal ang ginagawa ni Calida ay hindi ito masama. Iginiit pa ng pangulo na magaling si Calida.

Kunuwestyun din ng pangulo kung bakit pinipilit na lagyan ng malisya ang pagkakakuha ng kontrata ng security agency ni Calida sa mga government agency.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.