Deputy commissioner ng Customs sinibak ni Pangulong Duterte
Sinibak ni Pangulong Rodrigo Duterte ang isang opisyal ng Bureau of Customs (BOC) dahil sa umano’y sobra-sobrang biyahe sa ibang bansa.
Sa kanyang talumpati sa condemnation ng smuggled luxury vehicles sa BOC sa Maynila, inanunsyo ng pangulo na sinibak niya si Customs Deputy Commissioner Noel Patrick Sales Prudente.
Iniimbestigahan na aniya si Prudente ng Kamara, kaya para hindi na mahirapan ang Kongreso ay tinanggal na niya ito sa pwesto.
Binanggit ng pangulo ang mga hindi otorisadong biyahe ni Prudente sa ibang bansa partikular ang mga personal travel nito sa Europe.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.