‘AFP, best armed forces in the world’ – Duterte
Inilarawan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Armed Forces of the Philippines (AFP) bilang pinakamagaling na sandatahang lakas sa buong mundo at maging sa buong kalawakan.
Sa talumpati ng pangulo sa change of command ceremony ng Presidential Security Group (PSG) sa Malakanyang, pinuri ni Duterte ang AFP at inanunsyong ibibigay niya ang kabuuan ng kanyang presidential aircrafts sa mga sundalo.
Ayon sa pangulo, ipagkakaloob niya ang lahat ng kanyang eroplano at helicopters sa sandatahang lakas na aabot sa 14.
Sinabi niya umano kay Defense Secretary Delfin Lorenzana na sapat na para sa kanya ang kanyang presidential chopper.
Anya, kahit sinabihan siya ng kalihim na matanda na ang kanyang helicopter ay sinabi niya rito na kailangang unahin ang AFP at iprayoridad.
Samantala, matatandaang pinayagan ng pangulo na gamitin ng AFP ang kanyang presidential plane bilang air ambulance sa mga sundalong nasugatan sa giyera sa Marawi.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.