Upang mapaganda pa ang serbisyo ng pinakamatandang train system sa bansa ay bumili pa ng karagdagang pitong tren mula sa Indonesia ang Philippine National Railways (PNR).
Pinasok ng PNR ang dalawang kontrata kasama ang government-owned company na PT Industri Kereta Api (PT Inka) ng Indonesia para sa tatlong diesel hydraulic locomotive (DHL) trains at apat na diesel multiple unit (DMU).
Nagkakahalaga ang mga tren ng P2.37 bilyong piso at inaasahang maidedeliver sa bansa sa pagitan ng December 2019 at January 2020.
Ang bawat DHL ay may contract price na P1.306 bilyon kada isa, may limang bagon kada set at kayang magsakay ng 1,330 na pasahero kada biyahe.
Ang DMU naman na mas mura ng kaunti ay may contract price na P1.071 bilyon kada isa, ay may apat na bagon at kayang magsakay ng 1,090 pasahero kada biyahe.
Nilagdaan ang mga kontrata nina PNR general manager Junn Magno at PR Inka president Budi Noviantoro sa presensya ng mga opisyal ng Department of Transportation sa pangunguna ni Sec. Arthur Tugade.
Ayon kay Magno, solusyon ang DHL trains para maiwasan ang service interruptions lalo na sa tag-ulan dahil kaya nitong tumakbo sa kabila ng baha na may taas na 20 inches mula sa riles.
Ito rin anya ang kauna-unahang pagkakataon na nakabili ang PNR ng mga bagong tren mula sa sariling budget matapos ang 40 taon matapos makatanggap ng P3.5 billion pondo ngayong 2018.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.