BOC Deputy Commissioner sinibak sa pwesto ni Duterte

By Alvin Barcelona, Den Macaranas May 30, 2018 - 04:27 PM

Twitter photo

Pinangunahan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagsira sa 122 smuggled motor vehicles sa Bureau of Customs sa Port Area sa Maynila.

Kabilang sa mga winasak ay112 units ng Vespa scooters, ilang units ng Mitsubishi Pajero, Land Rovers at Volvo car.

Kasabay ito ng pagsira rin sa ilang mga smuggled vehicles na nakumpiska naman sa Port of Cebu.

Sa kanyang talumpati, sinabi ng pangulo na tuloy ang kanilang gagawing pagwasak sa mga kumpiskadong smuggled vehicles sa bansa.

Sa pagsisimula ng kanyang talumpati ay inihayag ng pangulo na sisibakin niya sa posisyon si Customs Deputy Commissioner Noel Patrick Sales Prudente.

Inisa-isa ng pangulo ang mga byahe sa abroad ng nasabing opisyal kabilang na ang pagpunta ng ilang beses sa Europe na hindi umano otorisado ng pamahalaan.

TAGS: BOC, customs, duterte, noel patrick sales prudente, smuggled car, BOC, customs, duterte, noel patrick sales prudente, smuggled car

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.