Chief of police ng San Rafael, Bulacan sinibak dahil sa katiwalian

By Mark Makalalad May 30, 2018 - 03:38 PM

Sinibak na sa pwesto ang hepe ng pulisya sa San Rafael, Bulacan.

Ito ang kinumprima ni Senior Supt. Chito Bersaluna, Provincial Director ng Bulacan matapos masangkot sa isyu ng pangongotong ang mga tauhan ni Supt. Rizalino Andaya.

Ayon kay Bersaluna, command responsibility ang dahilan ng pagkakasibak kay Andaya.

Matagal na umanong sangkot sa ilang kaso ng katiwalian ang ilan sa mga pulis ni Andaya pero wala itong ginawa para disiplinahin ang kanyang mga tauhan.

Idinagdag pa ni Bersaluna na ganito rin ang sasapitin ng mga opisyal ng pulisya sa lalawigan na walang gagawing hakbang para ayusin ang disiplina sa hanay ng kanilang mga nasasakupan.

Pansamantalang papalitan si Andaya ni Police Chief Inspector Manuru Bantay Jr.

TAGS: bersaluna, Bulacan, corruption, PNP, rizalino andaya, san rafael, bersaluna, Bulacan, corruption, PNP, rizalino andaya, san rafael

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.