Australian missionary na si Sr. Patricia Fox pinagagawaran ng Filipino Citizenship ng Makabayan bloc

By Erwin Aguilon May 30, 2018 - 12:33 PM

Hiniling na ngayon ng Makabayan bloc sa kamara na bigyan ng Filipino Citizenship ang Australian missionary na si Sr. Patricia Fox.

Base sa House Bill 7806 ng Makabayan bloc, sinabi ng mga ito na marapat lamang na bigyan ng Filipino Citizenship si Fox dahil sa halos tatlong dekada na itong nanirahan sa bansa.

Ayon kay Bayan Muna Rep. Carlos Isagani Zarate, ang kongreso ay naggawad na ng Filipino citizenship sa mga dayuhan na nag-donate ng eskwelahan o multi-purpose halls para sa mga mahihirap na komunidad sa bansa.

Sinabi ni Zarate na marapat lamang din na ibigay na kay Sister Patricia ang pagka-Pilipino dahil sa mga naitulong ng madre sa mga magsasaka, indigenous people at marginalized sector sa loob ng 27 taon.

Tinanggap aniya ng Filipino community si Sister Fox dahil namuhay at nakiisa ito sa mga ipinaglalaban ng mga mahihirap sa bansa.

Iginiit nito na sa halip na i-deport ang madre ay dapat lamang na kilalanin ang mga sakripisyo nito para sa mga Pilipino at sa bansa sa loob ng halos tatlong dekada.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

TAGS: House of Representatives, Makabayan bloc, Radyo Inquirer, Sister Patricia Fox, House of Representatives, Makabayan bloc, Radyo Inquirer, Sister Patricia Fox

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.