Senior envoy ng NoKor makikipag-usap sa US sa kauna-unahang beses matapos ang 18 taon

By Rhommel Balasbas May 30, 2018 - 12:00 AM

AFP Photo

Lilipad patungong New York ang isang mataas na opisyal ng North Korea para pag-usapan ang nakatakdang summit sa pagitan nina US President Donald Trump at North Korean leader Kim Jong Un.

Ito ang inanunsyo mismo ni Trump sa pamamagitan ng isang tweet na tila ay indikasyon na mas mataas ang tyansang matuloy ang pulong na kamakailan ay kinansela na ng presidente.

Ayon kay Trump, darating sa New Your si Kim Yong Chol, Vice Chairman ng Worker’s Party Central Committtee at dating pinuno ng nangungunang military intelligence agency ng NoKor.

Isa anya itong solidong tugon sa naging liham niya kay Kim.

Ayon sa ulat ng Yonhap news agency ng South Korea, nakatakdang lumipad pa-US si Kim Yong Chol ngayong Miyerkules matapos makipagpulong sa Chinese officials sa Beijing.

Si Kim Yong Chol na ang pinakamataas na opisyal ng North Korea na pupunta sa US para makipagpulong sa mga American officials simula taong 2000 nang makapulong ng marshal na si Jo Myong Rok si dating pangulong Bill Clinton sa White House.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.