2 pambato ng Pilipinas kalahok sa Hong Kong Dragon Boat Festival
Susubukang masungkit ng dalawang koponan ng Pilipinas ang ika-9 na Hong Kong Dragon Boat Festival na gaganapin mula June 22 hanggang 24.
Noong nakaraang taon ay nag-uwi ng gintong medalya ang Philippine Accessibility Disability Services, Inc. (PADS) at pilak na medalya naman ang sa Triton Dragon Boat Racing Team.
Ang main dragon boat race ay magaganap sa Victoria Harbour, ngunit magkakaroon ng iba pang mga race sa iba’t ibang bahagi ng Hong Kong, kagaya ng Stanley, Tai Po, Sha Tin, Tuen Mun, Sai Kung, at Aberdeen.
Bukod sa Pilipinas, kalahok din sa naturang dragon boat event ang mga pambato ng Australia, India, South Korea, at Estados Unidos.
Sa Hong Kong Dragon Boat Festival ay paglalabanan rin ng mga kasali ang Fancy Dress competition kung saan magpapagandahan ng costume ang mga paddlers.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.