Bandang A1 bibisita sa Pilipinas

By Justinne Punsalang May 30, 2018 - 12:03 AM

A1 Twitter Photo

Babalik ang boy band na A1 sa Pilipinas ngayong taon.

Ito ay para kanilang ipagdiwang ang kanilang ika-20 anibersaryo na gaganapin sa Kia Theatre sa October 21.

2002 nang mag-disband ang A1 matapos lisanin ni Paul Marazzi ang grupo. Matapos nito ay nagkaroon ng kanya-kanyang solo music career ang tatlo pang miyembro ng banda na sina Ben Adams, Mark Read, at Christian Ingerbrigsten.

Taong 2009 naman nang magkaroon ng reunion concert ang grupo sa Norway, ngunit hindi kasama dito si Paul.

2012 at 2016 namang nang nagkaroon ng concert sa Pilipinas ang grupo.

Kaya naman sa one-night concert para sa “Reunion” Southeast Asia tour ang magsisilbing comeback sa grupo ni Paul at ikatlong pagbisita ng banda sa bansa.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.