Cayetano pinagbibitiw sa pwesto ni Representative Alejano

By Erwin Aguilon May 30, 2018 - 12:46 AM

Hinamon ni Magdalo Representative Gary Alejano si Department of Foreign Affairs (DFA) Secretary Alan Peter Cayetano na magbitiw na sa pwesto sa gitna ng issue sa West Philippine Sea.

Ipinaalala ni Alejano kay Cayetano ang ginawang pagkamkam ng China sa Sandy Cay na nangyari sa panahon ng panunungkulan ni Cayetano bilang kalihim ng DFA.

Sinabi pa nito na ang militia fishing boats ng China ay 24 na oras na nakapuweato malapit sa Sandy Cay isang physical control sa lugar.

Ilang ulit na rin aniyang nilabag ng China ang karapatan ng mga teritoryo ng Pilipinas sa WPS subalit kahit isang diplomatic protest ay wala raw inihain sa ilalim ng pamumuno ni Cayetano.

Magmula aniya nang maupo sa puwesto ang kalihim, mistulang ang pinaiiral nitong stratehiya ay ang hindi paghahain ng diplomatic protest sa kabila ng militarisasyon daw ng China sa mga teritoryo ng Pilipinas.

Iginiit ni Alejano na ang hindi paghain ng isang diplomatic protest ay nangangahulugan lamang daw ng pagsang-ayon sa mga hakbang ng China sa WPS.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.