Hinamon ni Magdalo Partylist Rep. Gary Alejano ang Moro Islamic Liberation Front (MILF) na ipasara at ipahinto na rin ang operasyon ng pagawaan nito ng mga baril.
Ito ay kasunod ng simbolikong pagbaba ng armas ng pwersa ng MILF, na simula ng proseso ng decommissioning at bahagi ng peace agreement nito sa pamahalaan.
Katwiran ni Alejano, balewala ang pagbaba ng mga armas kung ipagpapatuloy naman ng MILF ang pag-produce nila ng mga baril sa kanilang sariling kampo.
Sinabi ni Alejano na batay sa naging pagbubunyag noon ni Senador Alan Peter Cayetano, ang paggawaan ng mga armas ng MILF ay nasa Barangay Katol, General Salipada Pendatun, Maguindanao.
Maliban naman sa pagpapahinto ng pagawaan ng mga armas, pinatitigil din ni Alejano sa MILF ang recruitment ng bagong tauhan at pagsasanay ng mga ito para sa itatatag na Bangsamoro Police.
Punto ng Magdalo Solon, kung sakaling bigong mapagtibay ang Basic Law for the Bangsamoro Autonomous Region ay madaragdagan ang pwersa ng MILF dahil sa mga bago nitong recruits kaya lalo pang lalawak ang pwersa nito./ Isa Avendaño-Umali
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.