Labor Usec. Paras inakusahan ni Cong. Villarin ng pagnanakaw ng cellphone
Ipinagharap ng reklamong theft ni Akbayan Rep. Tom Villarin sa Quezon City Prosecutors Office si Labor Usec. Jacinto Paras matapos tangayin ang kanyang cellphone sa loob ng Kamara.
Ayon kay Villarin, nasa loob siya ng isang hearing room sa Batasan Complex nang lapitan ni Paras na may hawak na cellphone at charger saka ipinatong sa kanyang cellphone.
Kuwento ni Villarin, matapos lapitan batiin at kilalanin siya noong buwan ng Marso ay umalis si Paras tangay ang Iphone 10 ng mambabatas.
Sa pamamagitan anya ng CCTV footage sa loob ng Kamara natunton na si Paras ang dumampot ng kanyang cellphone na nakapatong sa table.
Sinabi pa nito na sinubukan niyang tawagan ang kanyang cellphone, nag-ring ito subalit hindi naman sinasagot ni Paras.
Nakita rin sa CCTV na iniwan ni Paras ang kanyang cellphone sa lamesa sa isa pang hearing room ng kasama.
Naniniwala si Villarin na may nais kalkalin si Paras sa kanyang cellphone dahil sa sinampahan ng labor official ng kaso si Sen. Riza Hontiveros na kasamahan nito sa grupong Akbayan.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.