WATCH: Airing ng kaniyang talumpati kagabi ipinaputol ni Pang. Duterte dahil aatakihin umano niya ang mga babae

By Chona Yu May 29, 2018 - 07:55 AM

Pinaputol ni Pangulong Rodrigo Duterte ang live airing ng kaniyang speech kagabi sa Ceremonial Enactment of the Ease of Doing Business Act and the Act Converting Davao Oriental State College of Science and Technology into Davao Oriental State University.

Sinabi ng pangulo na isara ang airing ng speech sa government owned TV station na PTV 4 para banatan ang “Babae ako Campaign” na inilunsad ng ilang grupo ng mga babae.

Apela ng pangulo sa publiko huwag maniwala sa kanyang mga kalaban lalo na ang grupo ng mga babae na nasa likod ng nasabing grupo.

Matatandaang nabuo ang “Ang Babae Ako Campaign” matapos ihayag ng pangulo na hindi siya pabor na babae ang susunod na chief justice kapalit ni dating Chief Justice Maria Lourdes Sereno.

Paliwanag ng pangulo hindi kasi kaya ng mga babae na i-handle ang mga pagbabanta at intimation.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

TAGS: babae ako movement, Radyo Inquirer, Rodrigo Duterte, babae ako movement, Radyo Inquirer, Rodrigo Duterte

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.