Kahit maya’t-maya na ang paglabas sa publiko, SAP Bong Go, wala pa rin daw planong tumakbong senador
Sa kabila ng endorsement ni Pangulong Rodrigo Duterte at pagtutulak ng iba’t ibang grupo, nanindigan si Special Assistant to the President Christopher Bong Go na wala pa siyang planong kumandidato sa 2019 midterm elections.
Sa mass oath-taking ng mga bagong barangay officials sa Tarlac City, sinabi ni Go na sa ngayon ay trabaho muna ang focus niya.
Itinanggi din ni Go ang nosyon na ang kanyang pagdalo sa naturang event ay hudyat ng pagsisimula ng kampanya niya sa lalawigan at sa halip ay pinagbigyan niya lamang ang imbitasyon sa kanya.
Ayon kay Go masyado pang maaga para pagtuunan ng pansin ang 2019 elections lalo pa at napakarami pa niyang trabaho para sa pangulo.
Nitong nagdaang mga araw, madalas ang paglabas ni Go sa publiko at nakikita itong lagging tumutulong sa mga nangangailangan lalo na sa mga nasusunugan.
Dahil dito, lumutang ang mga spekulasyon na paunang paramdam na ito ni Go para sa kaniyang pagsabak sa eleksyon.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.