Pangulong Duterte, nakipagpulong sa mga mambabatas at Bangsamoro Transition Commission

By Rod Lagusad May 29, 2018 - 04:49 AM

Courtesy of Sec. Roque

Nakipagpulong si Pangulong Duterte sa mga mambabatas at sa mga miyembro ng gumawa ng draft sa panukalang Bangsamoro Basic Law (BBL).

Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, magkahiwalay ang naging pulong ni Duterte sa mga lider ng Kongreso na sina Senate President Vicente Sotto III at Speaker Pantaleon Alvarez at ng Bangsamoro Transition Commission (BTC).

Hindi na idinetalye ni Roque ang napag-usapan sa nasabing mga pulong.

Kasunod ito ng paghimok ng dalawang kapulungan na sertipikahang urgent ang panukala.

Layon ng BBL na matapos na ang deka-dekadang gulo sa isla ng Mindanao sa pamamagitan ng pagbuo ng isang political entity na papalit sa kasalukuyang Autonomous Region in Muslim Mindanao.

TAGS: BBL, BBL

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.