Panukalang P750 na National Minimum Wage kinatigan ni CIBAC Rep. Sherwin Tugna

By Erwin Aguilon May 29, 2018 - 04:40 AM

Nakahanap ng kakampi mula sa mayorya sa Kamara ang panukala ng Makabayan Bloc na gawing P750 ang kada araw ang minimum wage ng mga manggagawa sa pribadong sektor sa buong bansa.

Ayon kay CIBAC Rep. Sherwin Tugna, dapat lamang ang mahigit P200 dagdag sa P512 na kasalukuyang halaga ng minimum wage sa Metro Manila sa gitna ng epekto ng Tax Reform for Acceleration and Inclusion o TRAIN Law.

Gayunman, sinabi ni Tugna na dapat ding ikunsedera ang kapakanan ng mga micro, small at medium enterprises na posibleng hindi kayanin ang epekto ng panukalang taas sa minimum wage kapag ito ay naisabatas.

Paliwanag ng mambabatas, tataas din ang 13th month ng manggagawa bukod pa sa karagdagang kontribusyon sa Social Security System.

Inihain ng Makabayn Bloc ng Kamara ang House Bill 7787, na hindi lang nagtatakdang taasan ang national minimum wage kundi nagpapabuwag rin ng regional tripartite wages and productivity board.

 

TAGS: minimum wage, minimum wage

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.