Darating na sa bansa sa unang linggo ng Hunyo ang mga imported na bigas.
Ayon kay National Food Authority (NFA) spokesman Rex Estoperez, mabibili ang mga imported rice sa merkado simula sa June 5 sa halagang 27 hanggang 32 pesos kada kilo.
Ibinida pa ni Estoperez na walang pagbabago sa presyo ng bigas.
Paliwanag pa ni Estoperez, pupunuin muna ng NFA ang stock ng bigas sa mga NFA outlets bago ayusin ang bufferstock.
Matatandaang kamakailan lamang, sinabi ng NFA na nasasaid na ang stock ng NFA rice sa bansa.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.