Kilauea volcano sa Hawaii, muling nagbuga ng abo
Sa pagpapatuloy ng pag-aalburoto ng Kilauea Volcano, muling nakapagtala ng panibagong aktibidad ang bulkan sa Hawaii.
Ayon sa Hawaiian Volcano Observatory, nagbuga ng aabot sa 11,000 talampakang abo ang bulkan.
Nagkaroon ng tatlong pagbuga ng abo ang bulkan na nagsimula dakong 12:42 am o 6:42, Linggo ng umaga sa Pilipinas.
Dahil dito, nadamay ng abo at mga bato ang mga komunidad sa Timog-Kanlurang bahagi ng naturang bansa.
Inabisuhan naman ng Hawaii Civil Defense ang mga residente na iwasang makalanghap ng abo para hindi makaranas ng pagkairita ng mata at hirap sa paghinga.
Samantala, mahigit 2,000 residente ng Leilani Estates at Lanipuna Gardens ang nananatili sa ilalim ng evacuation orders bunsod ng ibinubugang lava at sulfur dioxide gas ng bulkan.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.