Ancajas, Sultan, pasok sa timbang para sa flyweight fight
Tuloy na tuloy na ang makasaysayang labanan nina Jerwin Ancajas at ang humahamong si Jonas Sultan para sa IBF World super flyweight title sa Linggo.
Ito ay matapos makapasa sa weigh in ang dalawa na may 115-lbs limit kung saan tumimbang si Ancajas ng 114.8 lbs habang 114.4 lbs si Sultan.
Ang dalawang boksingero ang kauna-unahang mga Filipino na maglalaban para sa isang world title matapos ang 1925 flyweight fight nina Pancho Villa at Clever Sencio.
Parehong magaling ang dalawang boksingero kung saan mayroon nang 14 wins, 3 losses at 9 knockouts si Sultan kung saan sampu sa kanyang huling laban ay kanyang naipanalo.
Habang si Ancajas naman ay may mas magandang record matapos ang kanyang sunud-sunod na 16 na pagkapanalo kung saan world title matches ang huling lima.
Magaganap ang kanilang sagupaan sa boxing ring sa Save Mart Arena sa Fresno, California.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.