Rehabilitasyon ng Boracay, posibleng abutin nang higit anim na buwan

By Rohanisa Abbas May 25, 2018 - 12:56 PM

Nag-aalala si Environment Secretary Roy Cimatu na posibleng abutin ng higit anim na biwan ang rehabilitasyon ng Boracay Island.

Sa kabila nito, tiniyak ni Cimatu na on-track ang gobyerno sa rehabilitasyon.

Ipinahayag ni Cimatu na nagulat siya sa 43 ilegal na tubo na nadiskubre sa dalampasigan ng isla kung saan madalas lumalangoy ang mga tursita.

Nadiskubre ang mga ito matapos magsagawa ng inspeksyon ang Mines and Geosciences Bureau matapos lumabas na mataas ang antas ng coliform bacteria sa katubigan sa beachfront.

Ayon kay Cimatu, 100 sundalo ang tutulong sa pag-aalis ng mga ilegal na tubo. Tutulong din aniya ang militar sa inter-agency task force para matapos ang paglilinis sa isla sa nakatakdang muling pagbubukas nito.

Isinara ang Boracay mula sa mga turista sa loob ng anim na buwan mula noong April 26 para sa rehabilitasyon nito.

 

TAGS: boracay, cimatu, DENR, rehabilitasyon, boracay, cimatu, DENR, rehabilitasyon

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.