Petisyon na ibalik sa Manila International Airport ang pangalan ng NAIA, isinumite ni Gadon sa Malacañang

By Mark Makalalad May 25, 2018 - 12:23 PM

Dapat nang ibalik ang Ninoy Aquino International Airport sa dati nitong pangalan na Manila International Airport.

Ito ang iginiit ni Atty. Larry Gadon kasabay nang pahayag na naisumite na niya sa Malakanyang ang petisyon na may libu-libong electronic signatures mula sa change.org website.

Ayon kay Gadon, mas kilala ang Manila International Airport kumpara sa NAIA at mas kinakatawan nito ang Pilipinas sa international community.

Dagdag pa ni Gadon, masama na ang imahe ng NAIA dahil nasira ang reputasyon nito ng mapabilang sa World’s Worst Airport. Bukod dito, ay nasangkot din ang NAIA sa laglag-bala scam.

Sinabi rin ng abugado na hindi dapat na ipangalan kay Ninoy ang naturang airport dahil paborable lamang ito sa mga Aquino at isa pa hindi naman naging pangulo ng bansa si Ninoy.

Noong 1961 nakilala ang Manila International Airport pero pinapalitan ito noong 1987 sa NAIA ni dating Pangulong Cory Aquino.

TAGS: Manila International Airport, MIA, NAIA, Ninoy Aquino International Airport, Manila International Airport, MIA, NAIA, Ninoy Aquino International Airport

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.