NDFP political consultant Joma Sison, hindi papatulan ang bantang papatayin siya ni Duterte
Ipiagkibit-balikat ni National Democratic front of the Philippines chief political consultant Jose Maria Sison ang banta ni Pangulong Rodrigo Duterte na papatayin siya.
Ipinahayag ni Sison na ilang beses niya nang narinig ang pagbabantang ito kay Duterte.
Sinabi ni Sison na hindi niya papatulan si Duterte maliban na lamang kung tuluyan nang hahadlangan ng Pangulo ang pagbabalik ng usapang pangkapayapaan.
Naniniwala naman ang lider ng komunistang grupo na mas nais ni Duterte na magpatuloy ang negosasyon kaysa hadlangan ito sa gitna ng matatalas na salita ng Pangulo.
Ani Sison, mas makabubuting himukin na lamang nila ni Duterte ang negotiating panel na patuloy na asikasuhin ang pagpapatuloy ng usapang pangkapayapaan.
Sa talumpati ng Pangulo sa Davao City, sinabi niya na personal niyang ihahatid si Sison sa paliparan kapag walang malinaw na kasunduan sa pagitan ng gobyerno at NDFP sa usapang pangkapayapaan sa loob ng dalawang buwan.
Matapos ito ay pinagmumura na ni Duterte si Sison at pinagbantaang papatayin ang lider ng komunistang grupo.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.