Facebook at Twitter hinigpitan ang rules sa political ads

By Donabelle Dominguez-Cargullo May 25, 2018 - 07:28 AM

Kapwa naglabas ng mas mahigpit na alituntunin ang Facebook at Twitter sa mga political ads na inilalagay sa dalawang social networking sites.

Sa Estados Unidos, epektibo na ang polisiya ng Facebook at Instagram kung saan kakailanganin ng labeling at verification ng identity para matukoy kung bayad pa ang political ads na inilalagay sa Facebook.

Ibig sabihin, ang mga political ads sa Facebook ay kailangang lagyan ng salitang “PAID FOR BY”.

Sa mga susunod na buwan sinabi ng Facebook na iiral na rin ang nasabing polisiya sa iba pang mga bansa.

Sinabi ng Facebook na beberipikahin nila ang identity ng mga nagbabayad para sa ads hindi lang para sa mga kandidato kundi maging sa mga political issues.

Ang Twitter naman, sinabing magpapatupad na rin sila ng bagong polisiya sa susunod na mga buwan na mag-aatas din ng paglalagay ng “election labels” sa post ng mga kandidato sa US.

Mas hihigpitan din ng Twitter ang mga requirements para sa Twitter users na gumagamit o nagpo-post ng political campaigning ads.

Ayon sa Twitter sa bio ng user dapat ay may nakalagay na balidong contact information.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

TAGS: Facebook Twitter, Radyo Inquirer, Social Networking Sites, Facebook Twitter, Radyo Inquirer, Social Networking Sites

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.