P10 Milyong tulong pinansyal, ipinagkaloob sa pamilya ng pitong pulis na nasawi sa Marawi Seige

By Mark Makalalad May 24, 2018 - 12:43 PM

Radyo Inquirer File Photo

Aabot sa kabuuang P10,460,000 tulong pinansyal ang ipinagkaloob ng pamahalaan sa pamilya ng 7 pulis na nasawi sa bakbakan sa Marawi.

Base sa tala ng Directorate for Personnel and Records Management (DPRM), sa pitong pulis na nasawi sa operasyon, tatlo dito ay galing Police Regional Office-Autonomous Region of Muslim Mindanao (PRO-ARMM), at 4 sa Special Action Force commandos.

Ang pamilya nina PC/Insp. Fredie M. Solar, Police Inspector Edwin Placido, at PO1 Junaid Mama ng ARMM at SAF commandos naman na sina PO3 Alexis Mangaldan, PO1 Moises Kimayong, PO2 Alexis Laurente, at PO3 Daniel Tegwa ay tumanggap ng Presidential Social Fund – Special Financial Assistance na nagkakahalaga ng P250,000 at iba pang benepisyo na katumbas ng P1.5 Million.

Ang iba naman sa tulong na iginawad sa mga pulis ay galing Office of the Chief PNP, President Rodrigo Roa Duterte, One Philippines Foundation, Inc., at Regional Comptrollership Fund.

Noong Miyerkules, May 23, gununita ang Marawi seige kung saan isang taon na ang nakakalipas nang simulang salakayin ng Maute ISIS terrorist group ang Marawi City na nag-iwan ng mahigit isang libong sibiyan, sundalo at pulis na patay.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

TAGS: marawi seige, PNP, Radyo Inquirer, marawi seige, PNP, Radyo Inquirer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.