Pagtakas ni Ozamiz Coun. Ricardo Parojinog sa Taiwan, admission of guilt ayon sa Malakanyang

By Chona Yu May 24, 2018 - 12:33 PM

Ozamiz City FB Page

Ikinatuwa ng Malakanyang ang pagkakaaresto sa Taiwan kay Ozamiz City Councilor Ricardo “Ardot” Parojonig na una nang inilagay ng Bureau of Immigration sa lookout bulletin dahil sa pagkakadawit sa operasyon ng ilegal na droga.

Sa pulong balitaan sa Marawi, sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque na ang pagtakas ni Parojinog ay pag-amin na rin na may nilabag siyang batas.

Kasabay nito, tiniyak ni Roque sa mga reisdente sa Ozamiz na mabibigyan sila ng katarungan kung may nilabag na batas si Parojinog.

Sinabi pa ni Roque na iimbestigahan ng husto ng mga otoridad si Parojinog, liliitisin at paprusahan kapag napatunayan na may ginawang kasalanan.

Matatandaan na noong nakaraang taon lamang, napatay ng mga pulis ang kapatid ni Parojonig na si Ozamiz Mayor Reynaldo Parojonig Sr. at labing apat na iba pa matapos magkapalitan ng putok ang ikinasang anti illegal drug operation.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

TAGS: Ardot Parojinog, Radyo Inquirer, Taiwan, Ardot Parojinog, Radyo Inquirer, Taiwan

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.