Itatalagang commissioners ng Comelec dapat IT expert ayon sa Namfrel

By Rohanisa Abbas May 24, 2018 - 12:11 PM

Hinimok ng National Movement for Free Elections (Namfrel) si Pangulong Rodrigo Duterte na magtalaga ng commissioners sa Commission on Elections (Comelec) na may karanasan sa information technology (IT) o project management.

Iminungkahi ito ni Namfrel President Eric Alvia sa gitna ng paghahanda ng Comelec sa 2019 midterm elections.

Ayon kay Alvia, mas mapapabuti ng mga taong may karanasan sa IT o project management ang implementasyon ng mga proyekto kaugnay ng automated election system at sa conduct of elections.

Sinabi ni Alvia na hindi naman kinakailangang abogado ang mga susunod na itatalaga sa Comelec.

Dagdag ni Alvia, dapat agad na punan ni Duterte ang dalawang bakanteng posisyon sa Comelec kasunod ng kumpirmasyon sa appointment ni Comelec chairman Sheriff Abas.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

TAGS: comelec, commissioners, NAMFREL, Radyo Inquirer, comelec, commissioners, NAMFREL, Radyo Inquirer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.