Travel ban aalisin ng UN para sa mga opisyal ng NoKor na dadalo sa summit nina Donald Trump at Kim Jong Un
Sumang-ayon ang United Nations Security Council committee na alisin ang travel ban para sa mga North Korean officials na pupunta ng Singapore kung sakaling matutuloy ang summit sa pagitan nina US President Donald Trump at NoKor leader Kim Jong Un.
Una nang hiniling ng Singapore sa nasabing komite na payagan ang delegasyon ng North Korea na makabiyahe sa Singapore para sa summit na nakatakda sa June 12.
Maliban sa mismong araw ng summit, mayroon ding mga North Korean officials na kailangang dumalo sa mga gagawing pagpupulong para sa ikakasang seguridad.
Una rito ay nagpalabas ng parusa ang UN kung saan 80 indibidiwal mula North Korea at 75 entities ang isinailalim sa global travel ban.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.