P2.7M halaga ng pondo para sa Pantawid Pamilyang Pilipino, natangay ng mga kawatan sa Ifugao
Kinumpirma ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) na natangay ng mga kawatan ang P2.7 million na halaga ng pondo para sa Pantawid Pamilyang Pilipino.
Sa pahayag ng DSWD, naganap ang insidente sa Tinoc, Ifugao noong May 21 kung saan tinangay ng mga kawatan ang perang dala-dala ng mga tauhan ng Lagawe Multi-Purpose Development Cooperative o LMDC na conduit ng Land Bank of the Philippines na siyang partner naman ng ahensya sa pagre-release ng Pantawid Pamilya cash grant.
Ayon sa DSWD, ang P2.7 million na natangay ay cash grant ng 1,269 na beneficiaries ng Pantawid Pamilya sa bayan ng Tinoc.
Tiniyak naman na ng Landbank sa DSWD na ire-reschedule ang pagbibigay ng grant sa mga pamilya.
Patuloy din ang pakikipag-ugnayan ng DSWD-CAR sa PNP at sa Landbank para sa imbestigasyon sa insidente.
Humingi ng paumanhin ang DSWD sa mga pamilyang naapektuhan dahil sa delay na mare-release ang kanilang cash grants.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.