235 OFWs mula Kuwait, nakatakdang umuwi ng bansa — Bello

By Rhommel Balasbas May 24, 2018 - 03:25 AM

Panibagong batch ng mahigit 200 Overseas Filipino Workers (OFWs) mula sa Kuwait ang nakatakdang umuwi ng bansa.

Sa pagpapatuloy ng imbestigasyon ng Senado sa mga pang-aabuso sa OFWs sinabi ni Labor Secretary Silvestre Bello III na may 235 sa mga pinoy workers sa Kuwait ang nakatakdang bumalik sa bansa sa katapusan ng linggong ito.

Anya, ang naturang mga manggagawa ay kabilang sa 601 na kasalukuyang nananatili sa embassy shelters.

Ayon kay Bello, kabilang sa mga OFWs na nasa shelters ay mga may kasong kinahaharap o hindi kaya ay mga nagkaso sa kanilang mga employers.

Nagpasalamat naman si Special Envoy to Kuwait Abdullah Mama-o sa gobyerno ng Kuwait sa pagbibigay ng karagdagang shelter para sa Philippine embassy at sinagot pa nito ang gastusin ng mga OFWs.

Mahigit 5,000 OFWs na ang napapauwi sa bansa sa pamamagitan ng amnesty program ng Kuwait.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.