Mahigpit na pagbabantay sa mga pag-iisyu ng tax declaration sa mga lupain tiniyak ng DENR

By Isa Avedaño-Umali May 23, 2018 - 03:58 PM

INQUIRER PHOTO/LYN RILLON

Inatasan na ni Environment Secretary Roy Cimatu ang lahat ng field officials ng DENR na paalalahanan ang local governments units (LGUs) sa kanilang nasasakupang lugar hinggil sa pagbabawal sa pag-iisyu ng tax declarations sa mga lupain na klasipikadong public domain.

Maliban kasi sa isla ng Boracay, nakatanggap pa ng impormasyon ang DENR hinggil sa i-regularidad ng ilang LGUs sa issuance ng tax declarations sa iba pang lugar.

Ayon kay Cimatu, sa ilalim ng Presidential Decree No. 705 ay ipinagbabawal sa sinumang public officers o empleyado ang basta na lamang pag-iisyu ng Certificate of Real Property Tax sa mga indibidwal na okupado o pino-proseso ang bahagi ng lupa na isang forestland.

Una rito, dapat aniyang dumaan muna sa sertipikasyon ng kagawaran na ang bubuwisan ay deklarado bilang alienable o disposable land.

Babala ng kalihim na ang paglabag sa nasabing batas ay may parusang pagkakulong nang hanggang apat na taon o permanenteng diskwalipikasyon sa anumang elective o appointive positions sa gobyerno.

TAGS: DENR, public domain, roy cimatu, tax declaration, DENR, public domain, roy cimatu, tax declaration

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.