Meralco paiimbestigahan sa Kamara dahil sa paniningil ng bill deposit
Hiniling ngayon ng Makabayan bloc sa Kamara na imbestigahan ang bill deposit program ng Manila Electric Company o Meralco.
Base House Resolution 1899 na inihain ng Makabayan bloc nais nitong masilip ng House Committee on Energy ang basehan ng Meralco sa pangongolekta ng bill deposit.
Ayon kay Bayan Muna Rep. Carlos Isagani Zarate, walang dahilan ang paniningil ng bill deposit sapagkat hindi matatakasan ng consumer ang pagputol ng supply ng kuryente kapag hindi ang mga ito nakapagbayad.
Mali rin anya ang interpretasyon ng Meralco sa Epira Law na ginagamit nitong basehan ng bill deposit.
Samantala, nais din ng Makabayan bloc na ipahinto ng Energy Regulatory Commission ang paniningil ng bill deposit at ipag-utos ang refund na aabot sa P3 Billion na nauna na nitong nakolekta.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.