Leila De Lima at Sandra Cam magkasunod na naghain ng kandidatura
Nagsmite na ng kanyang Certificate of Candidacy ang whistleblower na si Sandra Cam.
Maagang dumating sa tanggapan ng Comelec sa Intramuros sa Maynila si Cam kasama ang ilan sa kanyang mga taga-suporta.
Kung papalarin sa kanyang pag-kandidato, sinabi ni Cam na gusto niyang isulong bilang mambabatas ang mga dagdag na proteksyon para sa mga whistleblower at sa pamilya ng mga ito.
Ipinaliwanag ni Cam na hindi biro ang pinagdadaanan ng isang katulad nya na naglalahad ng mga katiwalian sa ating pamahaan. Makalipas naman ang ilang sandali ay nag-sumite na rin ng kanyang COC si dating Justice Sec. Leila De Lima.
Tumatakbo si De Lima sa ilalim ng Tuwid na Daan coalition bilang kasapi ng Liberal Party ni Pangulong Noynoy Aquino.
Ayon kay De Lima, tututukan niya ang pag-amyenda sa ilang batas na may kinalaman sa pagsusulong ng Human Rights, mabilis na hustisya at iba pang mga panukala na nakatuon sa kapakanan ng mga mahihirap na pamilya sa bansa.
Kasama ni De Lima na dumating sa punong tanggapan ng Comelec ang kanyang anak at mga kapamilya na nagpakita ng buong suporta sa dating kalihim.
Si Cam ay isa sa mga kritiko ni De Lima nung siya pa ay ang kalihim ng Department of Justice.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.