Minorya sa kamara kikilos na para sa impeachment laban sa 8 justices na nagpatalsik kay Sereno

By Erwin Aguilon May 23, 2018 - 08:53 AM

Sisimulan na ng Magnifcent 7 sa Kamara ang pangungumbinsi sa mga kasamahang kongresista para suportahan ang kanilang impeachment complaint laban sa walong mahistrado ng Korte Suprema na bumoto sa quo warranto petition ni dating chief Justice Maria Lourdes Sereno.

Ayon kay Albay Rep. Edcel Lagman, sa susunod na buwan ay sisimulan na nila ang pangungumbinsi sa mga kasamahang kongresista na suportahan ang ihahaing impeachment complaint sa ikalawang linggo ng Hunyo na lalagdaan ng limang miyembro ng magnificent 7.

Nilinaw naman ni Lagman na hihintayin pa rin ang pinal na desisyon ng mga mahistrado ng Korte Suprema kung irerekonsidera nila ang desisyon nila sa quo warranto petition laban kay dating Chief Justice Maria Lourdes Sereno.

Subalit kung hindi umano irerekonsidera ng walong mahistrado ang quo warranto petition ay ihahain nila ang impeahment complaint na base sa culpable violation of the constituion.

Para naman kay Caloocan City Rep. Edgar Erice, dapat payagan din ng liderato ng Kamara na gawin ang proseso na ginawa nila sa impeachment hearing ni Sereno sa walong mahistrado na masasampahan ng reklamo.

Iginiit pa ni Erice na wala silang magagawa kundi ihain ang reklamo laban sa walong mahistraddo dahil sa minamaliit nila ang kongreso at ang kapangyarihan ng Judicial and Bar Council (JBC) para magtalaga ng mahistrado at sa iba pang posisyon sa korte.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

TAGS: House of Representatives, impeachment, quo warranto, Radyo Inquirer, Sereno, Supreme Court, House of Representatives, impeachment, quo warranto, Radyo Inquirer, Sereno, Supreme Court

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.