Donald Trump nagpahayag ng duda na matutuloy ang pulong niya kay North Korean leader Kim Jong Un

By Donabelle Dominguez-Cargullo May 23, 2018 - 06:54 AM

Sinabi ni US President Donald Trump na mayroong malaking tsansa na hindi matuloy ang summit sa pagitan nila ni North Korean leader Kim Jong Un na nakaplanong gawin sa June 12.

Ito ay sa gitna ng mga ulat na ayaw ni Kim wakasan ang nuclear activities ng NoKor.

Ani Trump, OK lang sa kaniya kung talagang hindi matutuloy ang pulong.

Ang naturang summit sana ang maituturing na biggest diplomatic achievement sa panunungkulan ni Trump bilang pangulo ng US.

Ani Trump, kung sakaling hindi matuloy sa a-dose ng Hunyo, maari pa rin namang mangyari ang summit sa ibang panahon.

Base sa plano, sa Singapore gagawin ang paghaharap ng dalawang lider.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

TAGS: donald trump, Kim Jong un, north korea, Radyo Inquirer, summit, US, donald trump, Kim Jong un, north korea, Radyo Inquirer, summit, US

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.