Anak at apo ni Pangulong Duterte naturukan ng Dengvaxia

By Len Montaño May 23, 2018 - 03:28 AM

Naturukan din umano ng Dengvaxia ang bunsong anak ni Pangulong Rodrigo Duterte at dalawang apo nito na mga anak ni dating Davao City Vice Mayor Paolo Duterte.

Ayon kay Special Assistant to the President Bong Go, kinumpirma ng partner ng pangulo na si Honeylet Avanceña na nabigyan ng Dengvaxia ang anak nilang si Veronica o si Kitty.

Sa pagbisita ni Go sa Tacloban City ay sinabi rin aniya ni Avanceña na bukod kay Kitty ay naturukan din si Sabina na apo ni Duterte at ang daughter in law ng pangulo ng kontrobsersyal na bakuna laban sa dengue ang dalawang anak ni Paolo na sina Uno at Sabina.

Wala ring nabanggit si Go kung nagkaroon ng epekto ang Dengvaxia sa kalusugan ng anak at mga apo ng pangulo.

Una nang sinabi ng Malacañan ang utos ng pangulo na pagbuo ng three-man panel of experts na susuri sa Dengvaxia na sinasabing dahilan ng pagkamatay na ng mahigit 80 bata.

Hakbang ito ng gobyerno sa gitna ng magkaibang pahayan ng Public Attorney’s Office (PAO) at mga eksperto mula sa University of the Philippines-Philippine General Hospital (UP-PGH) ukol sa Dengvaxia.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.