Ariana Grande nagpaabot ng pagmamahal sa mga tagahanga sa anibersaryo ng Manchester bombing

By Justinne Punsalang May 23, 2018 - 01:11 AM

AP Photo

Nagbahagi ng isang mensahe ang pop singer na si Ariana Grande para sa kanyang mga tagahanga bilang pag-alala sa naganap na pagpapasabog sa Manchester Arena noong nakaraang taon.

Sa magkasunod na Twitter posts ng singer ay sinabi nito na walang araw ang lumipas na hindi niya inaalala ang mga nakaligtas at pamilya ng 22 nasawi sa pambobomba.

Aniya, mahal niya ang lahat ng kanyang mga tagahanga at ipinapaabot niya ang kanyang pagmamahal sa lahat ng naging biktima ng insidente sa mismong araw ng anibersaryo nito.

Samantala, nag-alay ng mga bulaklak at mensahe ang mga residente ng Manchester sa Japanese maple trees na itinanim bilang “Trail of Hope” para sa mga nabiktima ng pagpapasabog.

Inaasahang dadalo sina Prince William at Prime Minister Theresa May kasama ang mga nakaligtas at emergency workers na rumespunde sa lugar sa isasagawang misa sa Manchester Cathedral.

Matatandaang pinasabog ni Salman Abedi ang kanyang sarili sa labas ng concert venue habang paalis ang mga manonood sa concert ni Ariana.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.