“No is No…ang titigas ng ulo nyo!”-Duterte

By Den Macaranas October 15, 2015 - 03:43 PM

digong
Inquirer file photo

Nagsumite na ng kanyang Certificate of Candidacy bilang re-electionist si Davao City Mayor Rodrigo Duterte. Ang Chief-of-Staff ni Duterte na si Christopher “Bong” Go ang nag-sumite ng COC sa ngalan ng alkalde.

Kapansin-pansin naman ang tatak sa suot na T-Shirt ni Go kung saan ay nakasaad ang mga salitang “No is No” sa harapan at “Sinabi ko na ayaw ko…ang titigas ng ulo nyo”- Rody Duterte sa likurang bahagi ng kulay pulang damit.

Kinumpirma rin ni Go na kasalukuyang nagpapahinga sa Dos Palmas Resort sa Palawan si Duterte para umiwas sa mga nagpupumulit na kumbinsin siyang tumakbo bilang Pangulo sa 2016.

Sa kanyang Twitter account, kinumpirma rin ng Political Adviser ni Duterte na si Maribojoc Bohol Mayor Jun Evasco ang muling pagtakbo ng kanyang kaibigan bilang Mayor ng Davao City.

Kasalukuyan namang nagtitipon sa Manila Hotel ang ilang taga-suporta ni Duterte sa pag-asang magbabago pa ang isip ng kanilang sana’y mamanuking kandidato sa 2016.

Kahapon ay muling nabuhay ang kanilang pag-asa makaraang mag-lagay ng mensahe sa kanyang Instagram account si dating Mayor Sarah Duterte kasunod ng pagpapakalbo bilang suporta sa kanyang ama.

Inaasahan naman na ngayong araw ay babalik din ng Davao si Duterte makaraang ang maiksing pamamalagi sa Palawan.

 

TAGS: 2016, comelec, Davao, duterte, Mayor, 2016, comelec, Davao, duterte, Mayor

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.