Kalahating bilyong pisong proyekto sa Davao City kwestiyunable ayon sa COA

By Isa Avedaño-Umali May 22, 2018 - 08:32 PM

Photo: Davao City Council

Kinuwestyon ng Commission on Audit o COA ang iba’t ibang inventories at mga transaksyon sa hometown ni Pangulong Rodrigo Duterte na Davao City na nagkakahalaga ng mahigit kalahating bilyong piso.

Batay sa COA, nasa P569.86 Million ang pinag-uusapang halaga, gayung wala raw tamang records o walang supporting documents ang mga transaksyon.

Sa 2017 annual audit report ng COA, kabuuang P486.34 Million ang inventory accounts na kaduda-duda lalo’t kasama rito ang mga “non-existing items” gaya ng office supplies, food supplies, medical, dental and laboratory supplies at iba pa.

Ayon pa sa COA, ang administrasyon ni presidential daughter at Davao City Mayor Sara Duterte “has not faithfully complied” o bigong makasunod sa regulasyong nag-aatas ng periodic inventory ng mga suplay at ari-arian na kinukuha ng lokal na pamahalaan.

Sa naturang COA report, nabuking din ang kakulangan ng impormasyon ukol sa procurement conferences ng apat na Davao City infrastucture projects na nagkakahalaga ng P69.46 Million.

Giit ng COA, ang kanilang nadiskubre ay taliwas sa transparency na ikinakampanya pa mismo ng Duterte administration.

Nagkaroon daw ng mga problema sa mga proyekto ng Davao City pero kung nagkaroon lamang ng transparency ay sinabi ng COA na maiiwasan sana ang right-of-way issues, overlapping sa mga proyekto ng DPWH at iba pa.

Maliban dito, sinabi ng COA na kwestyonable ang pagbabayad ng Davao City government ng aabot sa P13.58 Million na school equipment at P476,102.05 na mga gamot na pawang walang documentary requirements.

TAGS: billion, COA, Davao City, projects, Sara Duterte, billion, COA, Davao City, projects, Sara Duterte

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.