Sewerage treatment plants prayoridad sa Boracay rehabilitation project
Pumabor ang malalaking business establishments sa kasunduang inilatag ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) hinggil sa agarang pagtatayo ng mga sewerage treatment plants sa Boracay Island.
Isa ito sa mga paraan upang ma-solusyunan ang problema ng water quality sa isla dahil sa panibagong nadiskubre na mga lumang drainage, septic tanks at mga tubo na nagpapakawala ng maruming tubig sa dagat.
Alinsunod sa kasunduan, mahigpit nang ipatutupad sa Boracay ang Municipal Order No. 307 ng Malay, Aklan.
Nakasaad dito na ang tourism establishments na may 50 rooms capacity ay kailangang magkaroon ng sariling treatment plant at papahintulutan ang pagpapakawala ng wastewater na pasado sa ‘Class SB’ standard.
Ang mga hotel naman na mayroong kapasidad na 49 rooms pababa ay maaaring magtayo ng tinatawag na cluster sewerage treatment plants sa mga katabing establisyimento.
Hindi naman sakop ng umiiral na moratorium sa building construction sa Boracay ang pagtatayo sa mga naturang planta.
Muling iginiit ni Sec. Roy Cimatu na hindi niya papayagan ang muling pagbubukas ng Boracay sa publiko hangga’t hindi bumubuti ang kalidad ng tubig at compliant sa standard ang nga negosyo doon.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.