Presyo ng bigas maibabalik na sa normal ayon sa NFA
Posibleng maging stable na ang presyo ng bigas sa bansa sa susunod na buwan ayon sa National Food Authority (NFA).
Ipinahayag NFA Spokesperson Rex Estoperez na inaasahan nilang mangyayari ito oras na dumating na ang 250,000 metric tons ng bigas sa bansa mula Thailand at Vietnam sa May 31.
Dagdag ni Estoperez, inaasahan din ng NFA na bababa ang presyo ng bigas sa merkado kapag inilabas na ito ng NFA.
Aniya, prayoridad ng NFA na maging stable ang presyo at suplay ng bigas.
Batay sa pinakahuling datos ng ahensya, naglalaro sa P25 at P30 kada kilo ang presyo ng subsidized na imported na bigas.
Pero pahirapan naman ang paghahanap nito sa mga pamilihan ayon naman sa ilang consumer groups.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.